Love a person with a sense of humor.

Magmahal ka ng joker na tao.

Hindi ka magsasawang mahalin siya. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon para malungkot dahil araw-araw ay napapasaya ka niya sa mga pagpapatawa niya. Hindi ka mabobored kausap siya, tatawa ka lang ng tatawa. Hindi mo namamalayan, na sa bawat pagtawa mo ng mga biro niya, ay unti-unti lalo mo siyang minamahal. 

Hindi mo mararamdaman ang mga problema sa kanya. Kung magkaroon man kayo, madadaan niya ito sa biro at the end of the day, ay tatawanan niyo nalang ang kinakaharap niyong problema. 

Madali mong malalaman kung galit ito. Ang laking impact din kapag nagseryoso siya bigla sayo.

Matatalino ang mga mapagbirong tao. Aba, hindi ata madaling mag-isip ng mga punch lines. Hindi dahil mapagbiro sila ay nangangahulugang hindi sila mature. Malalalim ang mga mapagbirong tao, sa likod ng mga ngisi, minsanang korni nilang joke ay may pinaghuhugutan sila.

Magmahal ka ng mapagbirong tao. Hindi ka magkakaroon ng rason para iwan siya.

Minsan, kung sino pa yung hindi gaanong ka-close, sila ang nakakaalala, sila yung naghahanap sayo. Pero yung mga inaasahan mong kaibigan, kaibigan ka lang pala, pag nandyan ka.

Parang nakasanayan ko ng tuwing mago-online ako ay magpopost ako ng tungkol sa akin. Parang ito na ang palatandaan ako mismo ang nagpost at hindi si pareng queue. Nandito na naman ako. Walang kamatayang napakabango, napaka-komportable, at napakasarap pagi-stayang internet shop *sarcasm intended*.

Marami palang nabibiktima ng queues ko. Kung mag-ta man po kayo, at di ko mareplyan, hindi po ako online non. Hindi naman ako snob. At eto, ako talaga to. Hi! hi!

Malapit na pala ang pasukan ano. kabi-kabila na rin ang mga naggm na nage-enroll sila sa kani-kanilang school, may mga bumibili ng gamit, yung iba pasukan na nga ata. Medyo naoop ako. Hindi kasi ako mag-aaral ngayong semester. Actually napagusapan na kasi namin ito. Pinipilit din akong mag-aral, kaso himala sa himala ay mas pinili ko munang tumigil. Kahit ako nagulat sa sarili ko. Pinaka ayaw ko kasing mangyari nun ay ang tumigil, kahit panandalian lang. Kaso.. 

Una sa lahat kasi, tinatamad akong mag-aral. Seryoso. Hindi ko alam. Wala akong ganang pumasok ng school. Ayoko namang sayangin ang perang pang-matrikula na gagastusin. Gusto ko pag gagastusin yun, yung talagang dibdiban akong mag-aral. Para walang sayang. Kaya sa panandalian, gusto ko munang magtrabaho. Sana makahanap ako. Legal age naman na ako. Sana may mahanap akong matinong trabaho.

Pinipilit ng tita ko saking pagpursigihin ko ang online job ko. Lagi kasi akong tinatamad dun, pero swear. Pag nagka-internet ako sa bahay, pagiigihan ko na. Pinagiispan kong ideact itong blog na to,kaso may nakapagsabi kasi saking pwede ko tong pagkakitaan. Kaya ang balak ko ay mabilan lang ito ng domain, maging gutomakoparati.com at bahala na kung anong mangyari.

Hindi ko alam kung bakit ko kinekwento ko ang mga balak ko sa buhay, pero blog ko naman ito, hindi naman siguro bawal diba? Malamang sa malamang wala din namang magbabasa kaya okay lang.

Merong 7 paraan ng pagpopost sa Tumblr. Nagagamit mo ba lahat to? Ano-ano nga bang gamit ng iba’t ibang category na to? 
Text. Long text posts. One-liners. Rants. Ito ang ginagamit kapag magkekwento ng nangyari sa araw. Kapag may reklamo sa buhay. Kapag galit sa isang tao. Kapag kinikilig. Kapag nagshe-share. Kapag nagtatanong. Kapag nagtatanong kung sinong online, sinong magpapa-describe at check ng blog.
Photo. Tinatakbuhan natin kapag sabaw na. Either magpopost ng pagmumukha natin, picture ng crush, picture ng pagkain bago kumain, picture ng meet-up, picture ng kalibugan, pang-tth.
Quote. Bihirang magamit. 30% chance na magamit mo to sa isang araw. Ginagamit kapag may quotable quotes mula sa isang sikat na philosopher, o isang artista sa pelikula.
Link. Kapag may ipapatignan na bago sa blog. Pag may ipopromote. Pag mananakot, gagamit ng link ng nakakatakot. Pag magpa-follow ng twitter. Pag magpapa add/subscribe sa facebook.
Chat. Kapag magkekwento ng kwelang conversation. O kaya simply inspiring na pag-uusap.
Audio. Pag may ipopost kang kinaka-LSSan mong kanta. Kapag may cover. Kapag magpopost ng pabati.
Video.  Music Video. Porn. Any shits under the sun.

Merong 7 paraan ng pagpopost sa Tumblr. Nagagamit mo ba lahat to? Ano-ano nga bang gamit ng iba’t ibang category na to? 

Text. Long text posts. One-liners. Rants. Ito ang ginagamit kapag magkekwento ng nangyari sa araw. Kapag may reklamo sa buhay. Kapag galit sa isang tao. Kapag kinikilig. Kapag nagshe-share. Kapag nagtatanong. Kapag nagtatanong kung sinong online, sinong magpapa-describe at check ng blog.

Photo. Tinatakbuhan natin kapag sabaw na. Either magpopost ng pagmumukha natin, picture ng crush, picture ng pagkain bago kumain, picture ng meet-up, picture ng kalibugan, pang-tth.

Quote. Bihirang magamit. 30% chance na magamit mo to sa isang araw. Ginagamit kapag may quotable quotes mula sa isang sikat na philosopher, o isang artista sa pelikula.

Link. Kapag may ipapatignan na bago sa blog. Pag may ipopromote. Pag mananakot, gagamit ng link ng nakakatakot. Pag magpa-follow ng twitter. Pag magpapa add/subscribe sa facebook.

Chat. Kapag magkekwento ng kwelang conversation. O kaya simply inspiring na pag-uusap.

Audio. Pag may ipopost kang kinaka-LSSan mong kanta. Kapag may cover. Kapag magpopost ng pabati.

Video.  Music Video. Porn. Any shits under the sun.

TUMBLR ASK: Where tumblr friendship starts.

gutomakoparati:

I just realized. Malaking bagay din pala ang Ask dito sa Tumblr. Isipin mo, dito umiikot ang komunikasyon ng tumblristas. Bukod sa reply reply sa post, dito mo pwedeng sabihin ang gusto mong sabihin sa isang blogger ng pribado. Sa TA, nagsisimula ang lahat.

Nagsisimula sa pagha-hi ng isa, at pagrereply ng isa ng hello. Habang tumatagal, kapag nalalaman ang pagkakapareho ng bawat isa ay humahaba ang usapan. Umaabot sa puntong ipa-follow na ng isa (Kung hindi pa napa-follow) at hanggang sa magkaroon na ng namuong pagkakaibigan. Pagkatapos nito, kung hindi pa sila nagkalimutan, ay magti-ta ulit sila sa susunod. Hanggang umabot sa pagbibigayan ng numero, pag-aadd sa facebook, pag-follow ng twitter at kung ano-ano pa.

Pasensya kung madalas nanghihingi ako ng kausap dito. Pakiramdam ko kasi, parang ang tumal lang ng buhay kung post ka lang ng post, sila like ng like, Ikaw din magla-like ng post. Kelangan din natin ng komunikasyon, ng kausap. Ng kapalitan ng opinyon at saloobin. Kaya ako saludo ako sa mga taong hindi nagsasawang i-ta ako kahit ano mang oras o panahon. Malaking bagay na sakin yung kahit dumaan ka lang sa inbox ko basta ba naalala mo ko. Hi man yan o mahabang message, still effort is effort.

Wag tayong magagalit kung may ta ng ta satin. O kung sabihin man na FC siya. Eh aminin natin, lahat naman tayo fc dito sa tumblr. At kung walang fc baka walang mabubuong friendship dyan. Paminsan-minsan kelangan lang kasi may gumawa ng unang move.

Kaya ikaw, wag kang mangiming pindutin yang ask button. Pare-pareho lang tayong tao, pare-parehong mababaho ang tae. Wag ka mahiya.

Source: gutomakoparati

Living behind a mask.

gutomakoparati:

Poser. One who pretends to be someone whose not.

Isang bagay na hindi mawawala sa mundo ng tumblr. Parang kung paanong merong kanin at ulam ay ganun din dito. Tumblr = Poser. Natural na lang. Baka magtaka kayo, bakit ako gumagawa ng ganito, may poser nanaman ba? Wala lang. Bawal ba? Kelangan tuwing treding na may poser lang gagawa ng post tungkol sa poser? Haha. Ayun, anyway. Personally kasi, wala pa kong nae-encounter na poser talaga. Yung bang nakaka-close tapos magugulat ako poser pala. Kasi yun ang kadalasan nagiging conflict kapag may nabibisto o bumubulgar na poser eh. Ayun alam mo ba yun? Hindi kasi yung paggamit nila ng ibang mukha, personalidad, katauhan yung ikinagagalit niyo kadalasan. Hindi ba yung dahil sa naging close kayo, tapos malalaman mong naloko ka lang pala? Kaya ako kapag may ganyan, wala naman akong reaction. Eh hindi naman kasi ako apektado eh. Hindi naman ako sangkot. Yung nabiktima baga. Pero yung mga naging kaibigan nung poser minsan worse kasintahan pa, sila yung kawawa. Nadeceive kasi sila eh. Yun tipong napaniwala sa isang bagay na hindi totoo, idagdag mo pa na ang  taong kausap mo hindi pala yun inaakala mong kausap mo.

Bakit ba nagtatago ang isang tao sa maskara? Ayaw niyang ipakita yung mukha niya? Nahihiya ba siya? O trip niya na gumamit ng ibang identity? Hindi ko din alam. Hindi ko pa natatry. Para sa akin, pwede ka naman magmaskara pero wag kang gagamit ng mukha ng ibang tao.  Pwede ka namang mag-anon na lang. Much better diba. Pero yung paggamit ng identity ng identity? Pwede ka ngang kasuhan don. Ano bang purpose nila? Para sumikat? kasi nga pogi/maganda yung gamit nilang mukha? Maari. Ewan. 

Minsan may nagtanong sakin, Kuya Ron, paano pag yung close na close mong kaibigan sa tumblr natuklasan mong poser pala?  Siguro magagalit o maiinis sa umpisa. Sino ba namang matutuwa pag niloko ka. Pero siguro sooner or later, mapapatawad at tatanggapin ko pa rin siya. Hindi man siya yung taong inakala natin pero oy, hindi naman yung pangalan o yung mukha yung naging kaibigan natin. Yung tao mismo. Yung personalidad niya. Yung nakakausap natin. Hindi yung nakikita.

Wala naman akong ibig ipakahulugan, naisip ko lang gumawa ng post tungkol sa poser. Sana sa mga poser dyan, maging friends tayo. Hello there! :)

Source: gutomakoparati

Yep, that’s for you.

Yep, that’s for you.

Source: gutomakoparati

Lahat naman tayo SM.

Simpleng malibog.

gutomakoparati:

Murder. Mayhem. Mystery.

Sembreak nila Casey Garcia at napagpasyahan nila ng kanyang mga kaibigan na magbakasyon ng sa panandaliang oras sa rest house ng isa sa kaibigan niya.

Danger. Deception. Death.

Pakarating sa rest house, ay misteryosong isa-isang nawawala ang kanyang mga kaibigan. Isa pa, pamilyar kay Casey ang bahay na kanilang tinutuluyan. Tila may isa siyang nakaraan na kelangang balikan, at susi ang bahay na yun sa kanyang nakaraan. Nasa kamay ni Casey ang pagtuklas ng sekretong tinatago ng pamilya niya, ng kanyang mga kaibigan, at pati mismo sa sarili niya.

Sweet. Soul. Survive.

Isa-isang pinapatay ang mga babae, ngunit iisa lang ang may gawa nito at meron siyang trademark sa pagpatay sa mga ito. Nakakatanggap muna ang mga babae ng love letter, at isang piraso ng red rose bago patayin. Hanggang sa isang araw, ay nakatanggap din si Casey ng ganito.

Love. Lie. Live.

8 silang babae. Pero isa lang ang makakaalis ng buhay mula sa impyernong yon. Ano-anong mga sekretong matutuklasan, hidden agenda ang lilitaw at mga pagkukunwaring mabubunyag? Basahin mo para malaman mo ang sagot.

Una (at malamang last) wattpad story ko. Nakakatakot sana siya, pero baka makornihan lang kayo. Sana, basahin niyo. Salamat! :) 

Link here.

Source: gutomakoparati

gutomakoparati:

Kelan ba dumadating sa puntong pati tayo naiinis na sa sarili natin?

  • Kapag hindi mo na alam yung ginagawa mo na pati ikaw hindi mo na maintindihan sarili mo.
  • Kapag kahit alam mong nasasaktan na ka na pero patuloy ka pa rin sa katangahan na ginagawa mo.
  • Kapag nagtitiis ka sa isang bagay na alam mo naman wala kang mapapala.
  • Kapag feeling mo ang walang walang kwenta mo.
  • Kapag pakiramdam mo, walang nagmamahal sayo dahil sa ugali mong hindi kanais-nais.
  • Kapag pumapayag kang i-down ng iba.
  • Kapag feeling mo ang sama-sama mo.
  • Kapag pakiramdam mo, mag-isa ka lang sa mundo.
  • Kapag may ginawa kang bagay na pinagsisisihan mo ng lubos.
  • Kapag natetake for granted mo ang isang tao.
  • Kapag nasasaktan ka na pero hindi mo maipa-ipakita.
  • Gusto mong ipagsigawan kung anong nasa puso mo, pero natatakot ka baka walang makinig. 
  • Kapag lahat sila naniniwala sayo, pero ikaw alam mo sa sarili mong niloloko mo lang sila.
  • Kapag alam mo ng bawal, pero ginagawa mo pa rin.

Source: gutomakoparati

Sa highschool, di mawawala ang:

gutomakoparati:

  • Echo - Yung pag may sumigaw yung teacher niyo ng “Tumahimik kayo!” tapos may isang sisigaw ng Oy tumahimik daw kayo sabi ni Ma’am/Sir!
  • Hitler - Ang mga teacher na nagbubuga ng usok ang ilong. Pagkapasok pa lang ng room ay tiklop na ang mga estudyante. 
  • Timawa - Ang mga kaklase mong nakaupo lang tuwing recess. Tapos biglang tatayo kapag may nakita ng prospect: Ang mga may pagkain. Habit nila ang manghingi ng foods ng may foods. 
  • Dora Godonghae -  Yung mga may sariling mundo. Nasa isang tabi lang kadalasan habang yung iba ay nag-iingay. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya. May potential na maging killer to someday. Kidding!
  • Kimi Godonghae - Ang mga matatalinong maharlika. Sila ang mga nangunguna sa class standing pero nangmamaliit sa mga nakakababa sa kanila. Competitive sila at ayaw nilang natataasan ng iba. 
  • Bill Gates - Sila ang mga matatalino pero tamad magsisipag-aral. Kadalasan pala-absent pero ang nakakabilib sa kanila ay pag pumasok sila nakakasunod agad sila sa lessons.
  • Flying Saucer - Pambansang meryenda ng mga bata. May variations ito, pwedeng ham, ham&cheese, tuna, cornedbeef, egg, cheese, brownpaper ang mga palaman.
  • Tuhog-tuhog - Tuhog here, tuhog there. Ang after school fiesta ng mga highschool student. Kung anak mahirap ka, fishball ang bibilin mo para sulit, mura na marami pa. Kung galante, magkekwekkwek ka o kaya kikiam. May libreng bola ka pa sa mga tropa mo pag nanlibre ka.
  • Cutting classes - Imbes sa pinto ng room ay sa pinto ng mall o kaya ng internet shop papasok. Ang perang pambili sana ng saucer ay ipangbabayad sa rent ng computer at pusta kung saka-sakaling meron man. Ang ilan ay sa panggala gala magagastos.
  • Ang kalawang sa polo/blouse mo - Hanggang ngayon ay namimisteryosohan pa rin ako kung saan nangagaling yung orange na mantsa sa uniform ko nung highschool. 
  • Feeling na natatae ka -Aminin mo, lahat tayo dumaan dito. Yung iba nakakaya, napipigil. Pero sadly yung iba hindi na umaabot. Nung highschool kami, may natae sa labas ng room namin. At mga gago, hindi ako yun.

Source: gutomakoparati

Pasintabi mga minamahal ha, magrereblog lang ako ng posts ko.

Queueakoparati.

Papalitan ko na ata ang url ko. Mabuti na lang at may drafts at queue para dyan para sakin. Ang hirap ng hindi online. Nakakaurat. Tapos yung iba, hindi lang makapagonline ng ilang araw (o oras) unfollow na. Okay, your loss. Not mine.

Kung nakakabaog lang ang kaboringan, hindi na ko aasa pang magkaanak sa hinaharap. Ang hirap ng walang pagkaabalahan. Walang net. Walang kausap. Paulit-ulit na lang ang reklamo ko. 

Hi. Ako to, just so you know. Nagkaroon ng pera at oras para makapag comp shop. Buti naabutan ko pang bukas to.

Thank you queues, at drafts. Kelangan ko ata maghanap ng taga-online ng tumblr ko. Haha.

If to be good is white, and to be evil is black. We humans are gray. Now the question is, are you a light shade of gray? or the dark shade?

  • Noon: Lalaki ang nanliligaw, hatid sundo sa babae, libre sa date.
  • Ngayon: Babae na ang nanunuyo. Nagbibigay pa ng load sa gusto. Siya narin nanlilibre sa date.

Read before you judge.



Uso din ang mag basa-basa para bawas ang mga nonsense na tanong, Salamat! Kung magtatanong ka lang sakin kung gutom pa din ba ako, wag mo ng ituloy. Masyado ng overrated.

Syempre biro lang yun. Mabait akong tao. Nilagay ko lang yun para kunyari may astig na pambungad. Wala naman kasi akong alam na quotable quotes.

Bale, Hello sayong bumabasa nito. Una sa lahat salamat at nagsayang ka ng oras basahin to. Mabuhay ka! Ako nga pala si Ronnel Pascua Rayton, pero dahil sagad sa kabantutan ang pangalan ko, okay na sakin ang Ron.

18 years old na ko at pinanganak ako noong Ika-19 ng Nobyembre. Second year na ko at Information Technology ang course ko, Hindi ako magaling sa programming o photoshop. Mas gusto ko pang magsulat at magbasa.


Read the Printed Word!


Hindi ako pansining tao. Hindi ako gwapo, hindi ko rin naman kamukha si Bruno Mars. Ordinaryo lang akong tao. Kaya bihira ang pumapansin sa akin. Kaya dito ko dinadaan sa blog ang lahat ng gusto kong sabihin.

Mahilig ka bang magbasa? Nasa tamang lugar ka. Kung naghahanap ka ng mga ma-rereblog na mga babaeng nakabikini, damit, o kaya mga litrato ng magsyotang gangsta, i-close tab mo na lang. Pero kung gusto mo ng kausap, pwedeng pwede ako. Wag kang mangimi, dahil pare-pareho lang naman tayo. Sa totoo lang, mas FC mas gusto ko. Wag ka nga lang magpapa-promote ng blog mo biglaan. Hindi naman ako namamahiya, hindi ko na lang papansinin.

Proudly Pinoy!

Congratulation kung nakaabot ka dito! Isa kang tunay na reader, o talagang crush mo lang ako. Hehe. Pwedeng magbiro. Pansin mo may mga singit singit na logo? yun ay para hindi ka mauta kung nagbabasa ka man. Kung may gusto kang sabihin sakin, nandyan lang ang Ask Box, on din ang anon kung nahihiya ka. Basta wag lang naman hate ha? Please?

Baka naiinis ka kasi ang dami kong sinabi, gusto ko kasi mabalance yung nasa gilid para hindi hallowed tignan. Dami ko lang alam. Anyway, mahal na talaga kita pag nabasa mo to lahat. Halika dito, usap tayo.


Anong order mo? Ipadala mo thru LBC